Umaabot sa kabuuang 75 scalawags na mga pulis ang pinatalsik sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP) nitong Oktubre dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang kasong adminis tratibo at kriminal.
Ayon kay PNP Directorate for Personnel Records and Management Chief P/Director Edgardo Acuña, sa kabuuang 75 pulis, 38 sa mga ito ang tuluyan ng pinatalsik sa serbisyo habang 37 ang ‘dropped from the rolls ‘ o inalis na rin sa listahan bagaman bibigyan pa ang mga ito ng pagkakataong iapela ang kanilang mga kaso.
Ang mga pulis na dinismis ay inireklamo ng mga sibilyan at ng kanilang mga opisyal na sumailalim sa masusing imbestigasyon.
Ang hakbang ay bahagi ng paglilinis ni PNP Chief Director Gen. Avelino Razon Jr. laban sa mga “anay” na sumisira sa imahe ng kapulisan.
Maliban sa pinatalsik na 38 pulis, ay 37 naman ang inalis na sa talaan ng PNP at 8 namang parak ang na-demote o ibinaba ng ranggo. (Joy Cantos)