^

Bansa

75 pasaway na pulis sinibak!

-

Umaabot sa kabuuang 75 scalawags na mga pulis ang pinatalsik sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP) nitong Oktubre dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang kasong adminis­ tratibo at kriminal.

Ayon kay PNP Directorate for Personnel Records and Management Chief P/Director Edgardo Acuña, sa kabuuang 75 pulis, 38 sa mga ito ang tuluyan ng pi­natalsik sa serbisyo habang 37 ang ‘dropped from the rolls ‘ o inalis na rin sa lista­han bagaman bibigyan pa ang mga ito ng pagkaka­taong iapela ang kanilang mga kaso.

Ang mga pulis na dinis­mis ay inireklamo ng mga sibilyan at ng kanilang mga opisyal na sumailalim sa masusing imbestigasyon.

Ang hakbang ay bahagi ng paglilinis ni PNP Chief Director Gen. Avelino Ra­zon Jr. laban sa mga “anay” na sumisira sa ima­he ng kapulisan.

Maliban sa pinatalsik na 38 pulis, ay 37 naman ang inalis na sa talaan ng PNP at 8 namang parak ang na-demote o ibinaba ng ranggo. (Joy Cantos)

vuukle comment

AVELINO RA

AYON

CHIEF DIRECTOR GEN

DIRECTOR EDGARDO ACU

JOY CANTOS

PERSONNEL RECORDS AND MANAGEMENT CHIEF P

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with