^

Bansa

Palaboy dumarami

-

Bunsod ng patuloy na mga demolisyon sa mga iskuwater na pro­yekto ng administrasyon ni Pangulong Gloria Ma­capagal Arroyo, mas dumarami na umano ang mga maralitang tagalunsod na nagiging palaboy ngayon.

Ito ang ipinahayag ni  Carmen Deunida, taga­pangulo ng KADAMAY o Kalipunan ng Dama­yang Mahihirap na nag­sabi pang taliwas sa ipinangako ni Arroyo sa kanyang SONA noong 2001 na nagbibigay ang kanyang pamahalaan ng seguridad sa pani­nirahan sa 150,000 ma­ra­litang pamilya taun-taon ay higit umano ang na­wawalan ng  tirahan da­hil  sa patuloy na de­mo­lis­yon.

Sa pag-aaral ng KADAMAY, umaabot sa 65,283 maralitang pa­milya ang  nakakaranas ng demolisyon sa kani­lang tahanan mula sa ka­ lagitnaan ng taon 2006  hanggang sa unang kuwarto ng 2007.

Tinukoy ng grupo ang ginawang demo­lisyon tulad ng North at South Rail project.

Matindi ang gina­ga­wang panlilinlang umano ng gobiyerno sa mga apektadong  pa­milya at  ang publiko na mayroon umanong pag­lalagakan sa mga ito subalit sa reyalidad at wala umano dahil sa kawalan ng sa­ pat na pondong nagka­ka­ha­laga ng $82 milyon dito.

Patuloy din umano na  pinalala ng korup­si­yon ang kahirapan dahil sa overpricing na pani­ningil sa kada square me­ter ng loteng ina-award.

Halimbawa umano dito ang mga relocatee sa Panghulo, Malabon at Bayugo,  Meycauayan, Bulacan na sinisingil ng P3,000 kada square meters samantalang nagkakahalaga lamang ito ng P800. Itinurong dahilan dito ay ang ka­walan ng bidding para sa proyekto ng relokas­yon. (Grace dela Cruz)

CARMEN DEUNIDA

PANGULONG GLORIA MA

SHY

SOUTH RAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with