Mga kaliwete, sasaklolohan ni Lapid
Ikinatuwiran ni Lapid na hindi dapat balewalain ang mga problemang kinakaharap ng mga kaliwete lalo na’t karamihan sa mga produkto at tools na ginagamit sa ngayon ay ginawa para sa mga “right handed individuals”.
Sinabi pa ni Lapid na base sa global perspective, nasa 500 milyon katao sa buong mundo ang kaliwete.
Ayon pa kay Lapid, ang mga estudyanteng kaliwete ay kailangang mag-adjust araw-araw sa napakaraming problema sa paaralan na dala ng kanilang pagiging kaliwete katulad ng paggamit ng gunting, paggamit ng right handed desk, paggamit ng ruler, at paggamit ng mga notebooks na dinesenyo para sa mga “right handed persons”.
Kabilang umano sa problemang kinakaharap ng mga estudyanteng kaliwete ang pagpipilit sa kanila ng mga guro at magulang na gamitin ang kanang kamay sa pagsusulat.
Kapag naging isang ganap na batas, ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) ang magbubuo ng implementing rules and regulations upang masigurado na ang mga paaralan sa buong bansa ay magpapagawa ng mga left-handed desks at education materials kabilang ang mga kagamitan sa music, sports, arts para sa mga kaliweteng estudyante.
Aatasan din ang mga professional regulatory bodies ng gobyerno kabilang ang Professional Regulatory Commission (PRC) na maglagay ng mga arm chairs, desks at educational materials para sa mga left handed students partikular na tuwing kumukuha ang mga ito ng professional board examinations.
Sinabi ni Lapid na dapat magkaroon ng pantay na oportunidad ang mga right-handed at mga kaliwete. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending