^

Bansa

Colorum vehicles, di ligtas kahit Undas

-

Walang holiday sa Land Transportation Office (LTO) para hulihin ang mga colorum vehicles na nananamantala na pumasada para mag­hatid-sundo sa mga pasa­­herong uuwi sa mga pro­binsiya ngayong Undas.

Ayon kay Engr. Fer­nando Quiambao, special executive asst. ni LTO Chief Reynaldo Berroya, kahit na ipinagdiriwang ng bansa ang Undas, tuloy pa rin ang operasyon ng kanilang mga enforcers para hulihin ang mga colorum vehicles.

Ito ay bunsod na rin ng mga reklamo sa ahensiya at mga report na mara­ming bilang ng mga colo­rum vehicles ay nana­namantala sa kanilang pamamasada dahil sa bugso ng mga pasahero na uuwi sa kanilang mga destinasyon sa mga lalawigan.

Nilinaw ni Quiambao na hindi dapat sumakay ang mga pasahero sa mga colorum vehicles dahil unang unang hindi dumaan sa road safety worthines ang  mga sa­sakyang ito kayat walang katiyakan na ligtas ang mga sakay nito laluna sa mahabang biyahe.

Wala din anyang insurance claims na maa­aring matanggap ang mga pasahero nito sakaling mabulid sa anumang ak­sidente ang colorum na sasakyan.

Niliwanag ni Quiam­bao na ang operasyon ngayong Undas ay gi­nawa upang maprotek­tahan ang mamamayan mula sa mga mapag­samantalang operators ng mga colorum na sa­sakyan.

Hiniling nito sa mga colorum vehicle owners na huwag nang gamiting pamasada ang mga sa­sakyan kung ayaw mahuli ng mga elemento ng LTO. (Angie dela Cruz)

ANGIE

CHIEF REYNALDO BERROYA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

QUIAMBAO

SHY

UNDAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with