Tanggap na ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang “cremation” ng patay na dating tinututulan ng Simbahang Katoliko kung ito ang gusto ng pamilya ng namatay sa paglilibing sa kanilang mahal sa buhay.
Ayon sa CBCP, kung dati ay isang nakakalitong isyu sa simbahan ang cremation, ngayon ay tanggap na nila ang paraang ito ng paglilibing ng mga Katoliko.
Nabatid pa sa CBCP Episcopal Commissiom on Liturgy (ECL) mas pinahahalagahan nila ang cremation bago ang funeral mass.
Naniniwala umano ang simbahan sa buhay at muling pagkabuhay ng namatay kaya dapat nitong ipagdasal ang sinunog na patay.
“When cremation precedes the funeral Mass, the rite of final commendation and committal may be performed in the crematorium chapel before cremation. After cremation the funeral Mass may be celebrated in the presence of the cremated remains,” ayon pa sa ECL bilang bahagi ng guideline ng simbahan sa cremation.
Gayunman, sinabi ng simbahan na sa kabila ng makabagong panahon kung saan maraming tao ang pumipili sa cremation para sa paglilibing ng kanilang mahal sa buhay, hinihikayat pa rin ng simbahan ang mga mamamayan na gawin ang unang nakaugaliang paglilibing sa mga patay na paglalagak ng kanilang labi sa sementeryo. (Doris Franche)