Pinakilos na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang tatlong emba hada ng Pilipinas sa Japan, Kenya at Malaysia upang mapabilis ang pagresolba sa siyam na Pinoy seamen na kabilang sa 23 kataong kinidnap ng mga pirata sa Somalia noong Linggo.
Nabatid kay DFA spokesman Claro Cristobal, nasa maayos nang kalagayan sina Capt. Restituto Bulilan, Master; Chief Officer Melchor Cayabyab; Loreto Quiles, 2nd officer; Reymundo Panaligan Jr., 3rd officer; Mario Ocenar, Chief Engineer; Adelino Amparo, 1st Engineer; Engr. Virgilio Lotoc, 2nd Engineer; Laurino Villanueva, bosun at Ismael Perez, chief cook.
Kabilang sila sa 23-man crew ng ‘Panama Golden Nori’ tanker na pag-aari ng Despina Shipping Co. ng Japan.
Ang chemical tanker ay may karga umanong benzene, isang uri ng highly flammable material.
Sinasabing ang kapitan at chief engineer ng nasabing tanker ay mga Koreano. Bihag din ang mga tripulanteng Burmese at Myanmar nationals.
Ang Philippine Embassy sa Kenya ang may hurisdiksyon sa Somalia, habang pag-aari naman ng isang Japanese-based shipping firm ang barko na sinakyan ng mga bihag na Pinoy crew.
Samantala sa Kuala Lumpur naman nakabase ang International Maritime Bureau na siyang nagmomonitor ng lahat ng kaso ng piracy sa buong mundo. (Joy Cantos)