P.5-M cash gift ni Panlilio gamitin sa mga pagamutang bayan
LUBAO, PAMPANGA – Hinikayat ng mga alkalde ng lalawigang ito sa pamumuno ni Lubao Mayor Dennis Pineda si Gov. Ed Panlilio na gamitin na lamang sa mga pangangailangan ng 10 public hospitals ang tinanggap nitong P500,000 mula sa League of Provinces of the Philippines (LPP).
Ayon kay Mayor Pi neda, pangulo ng Pampanga Mayors League (PML), nagpalabas na din ng pahayag ang kanilang grupo kung saan ay nananawagan sila kay Panlilio na huwag nang isauli sa LPP ang nasabing halaga bagkus ay gamitin sa pagbili ng mga gamot sa 10 public hospitals.
Naunang nanawagan ang PML sa pamamagitan ni Candaba Mayor Jerry Pelayo, spokesman ng PML, kay Panlilio na huwag nang isauli ang naturang cash sa LPP dahil mas ka ilangan ng kanilang mga cabalen ang mga gamot sa kanilang mga karamdaman.
Sabi pa ni Pelayo, hinihikayat din nila si Panlilio na magpakita ng kanyang suporta kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kabila ng ginawa nitong paglantad na may natanggap siyang cash gift mula sa Palasyo.
Nilinaw naman ng LPP sa pamamagitan nina Eastern Samar Gov. Ben Evardone at Palawan Gov. Joel Reyes na mula sa kanilang samahan ang tinanggap na cash ni Panlilio at Bulacan Gov. Jonjon Mendoza at hindi ito galing sa Malacañang. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending