Ilang tauhan ng pamahalaan ang umanoíy nagsisilbing protektor ng mga smuggler sa bansa at sumisira sa kampanya ng Run After Smugglers (RATS), isang unit ng Bureau of Customs.
Ito ang nabatid kay RATS Executive Director at Customs Deputy Commissioner Reynaldo Umali na nagsabi pa na, dahil sa nakukuhang proteksyon ng mga smuggler, nagagawa ng mga ito na idiskaril ang programa ng RATS sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga maling impormasyon.
Inihalimbawa ni Umali ang isang babaeng facilitator na hindi naman lisensyadong broker o consignee pero nagagawang makapagpalabas ng mga kargamento mula sa BOC sa pamamagitan ng pagbanggit sa pangalan ng ilang tao para takutin ang mga empleyado ng Customs.