Hiniling na ng Malacanang sa Korte Suprema na ipatigil na ang kaso kaugnay sa National Broadband Network-ZTE deal dahil kinansela na ni Pangulong Arroyo ang nasabing agreement.
Sinabi ni Presidential Spokesman at acting Executive Secretary Ignacio Bunye na sumulat na sa SC ang Office of the Solicitor General sa pamamagitan ng manipestasyon upang hilinging ihinto na ng Senado ang imbestigasyon nila sa NBN deal dahil kanselado na ang nasabing kasunduan matapos ipaliwanag ni Mrs. Arroyo sa Chinese government ang naging desisyon ukol dito na tinanggap naman ni Chinese President Hu Jintao.
Dahil dito, sinabi ni Bunye na hindi na kailangang dumalo ang sinumang miyembro ng Gabinete sa isasagawang pagdinig ng Senado sa araw na ito. (Rudy Andal)