GMA nanawagan ng pagkakaisa
Matapos ang malagim na pagsabog sa Glorieta mall kamakalawa, nanawagan kahapon si Pangulong Gloria Arroyo sa mga Filipino na magkaisa at huwag hayaan ang terorismo na makaapekto sa ekonomiya ng bansa.
Inamin ng Pangulo na nahaharap ang bansa sa problema ng terorismo, pagtaas ng presyo ng langis at awayan sa pulitika.
“Kaharap natin ngayon ang mga bagong sagabal sa paglakas ng ating ekonomiya, ang terorismo, ang pagmahal ng langis sa pandaigdigang merkado, at patuloy na ligalig sa pulitika,” sabi ng Pangulo sa kanyang opening statement sa command conference sa
Nanawagan din ang Pangulo sa publiko na panatilihin ang suporta sa gobyerno at huwag sumunod sa mga magsasamantala sa sitwasyon upang magkaroon ng destabilisasyon ang bansa.
“Laban sa kanila, kailangang tibayin natin ang loob, magkapit-bisig, magsikap at magsakripisyo, at huwag magpadala sa mga nagbubunsod ng gulo, takot at hidwaaan. Sa halip, sama-sama tayong magmatyag sa mga banta at balakid, at patuloy na lumikha ng yaman at trabaho para sa bayan,” anang Pangulo.
Naniniwala ang Pangulo na malalampasan ng bansa ang nangyaring trahedya nang pambobomba.
Bago ang Glorietta bombing sa
Naging malaking isyu rin ang sinasabing pamimigay ng suhol ng Malacanang na inamin ng ilang gobernador at congressmen na nakatanggap ng pera. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending