GMA hopeless na! – Nene
Wala nang pag-asang maisalba pa ni Pangulong Gloria Arroyo ang kanyang sarili sa gitna nang mga kinakasangkutan niyang isyu lalo na ang nangyaring panunuhol sa loob mismo ng Malacañang.
Ito ang sinabi kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. sa Kapihan sa Senado matapos manawagan si Speaker Jose de Venecia na pangunahan ng Pangulo ang moral revolution at itigil na ang korupsiyon.
“Gloria is beyond redemption. She can’t be redeemed anymore. Masyado nang malala ang kanyang involvement sa korupsiyon,” sabi ni Pimentel.
Ang pagkakasangkot umano ni Arroyo sa kati walian ay sapat nang dahilan para bumaba ito sa puwesto at gawing “caretaker” ng gobyerno si Vice-President Noli de Castro.
Sinabi pa ni Pimentel na dalawang taon na lamang ang natitira para sa susunod na presidential elections kaya hindi practical na magsagawa ng snap elections.
“Two years na lang presidential elections na so hindi practical na manawagan ng snap elections, so tiisin na lang natin si Noli,” sabi ni Pimentel.
Naniniwala din si Pimentel na hindi naman maaaring maging mas corrupt pa kay Arroyo si de Castro.
Kung mauupong caretaker ng gobyerno si de Castro, maipapakita rin umano nito na may maasahan sa kanya ang taumbayan.
Idinagdag din ni Pimentel na imposibleng mangyari ang sinasabi ni de Venecia na moral revolution na dapat umanong pangunahan ni Arroyo.
Sinabi ni Pimentel na napaka-imposible ng linisin ang katiwalian sa kasalukuyang administrasyon, dahil sa talamak na ang ginagawang pangungurakot ng mga tauhan ng Pangulo, na umabot pa mismo sa bakuran ng palasyo ang panunuhol.
Hindi rin naniniwala si Pimentel na seryoso si De Venecia sa panawagan nito na imposibleng mangyari, dahil sa mismong mga miyembro ng Kamara ang halos karamihan sa mga tumanggap ng suhol.
- Latest
- Trending