^

Bansa

Oposisyon boykot sa impeachment

-

Malamang na iboy­ kot ng mga oposisyong kon­gresista ang pag­dinig na isasagawa ng justice committee ng House of Representatives sa uma­no’y hu­wad na  impeachment complaint na isinampa ng pribadong aboga­dong si Roel Pu­lido laban kay Pangu­long Gloria Macapagal-Arroyo.

“Maaaring iboykot ko at ng ilang miyembro ng minority ang pag­dinig sa impeachment,” sabi ka­hapon ni Pa­rañaque Rep. Roilo Golez na isa sa deputies ni Minority Leader Ronaldo Za­mora.

Sinabi ni Golez na may paniniwala silang magbibigay lang ito ng batik sa sinumang seser­yoso sa naturang impeachment complaint.

Takdang simulan ng komite ang pagdinig  sa pagbalik ng Kongreso sa sesyon sa susunod na buwan.

Sa halip na dumalo sa pagdinig, plano nina Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez at iba pang minority congressman na ku­­wes­tyunin sa Supreme Court ang ginawang pag-en­dorso sa komite ng na­turang reklamo ni Pulido.

Ayon kay Rodriguez,  labag sa Konstitusyon ang pag-refer ni  De­puty Speaker Raul del Mar ng impeachment complaint dahil gawain ito ng Speaker ng House.

Naunang pinahintu­lutan ni Speaker Jose de Venecia si del Mar na isagawa ang referral makaraang umurong siya sa kaso dahil sa isinampang hiwalay na kaso na isinampa ni Pulido laban sa kanya sa ethics committee.

Ang naturang impeachment complaint ay umiinog sa naudlot na maanomalyang national broadband network contract ng pa­mahalaan sa ZTE Corp. ng China.

Gayunman, inirekla­mo ni Pulido si de Vene­cia at ang anak nitong si Joey dahil sa pag­kaka­sangkot sa natu­rang proyekto.

Ang kumpanyang Amsterdam Holding Inc. na pag-aari ng ba­tang de Venecia ang kabilang sa mga kum­panyang natalo sa bidding sa NBN project.

Gayunman, inirekla­mo ni Joey de Venecia na tinangka umano siyang suhulan ni da­ting Commission on Elections Chairman Benjamin  Abalos para uma­tras ang AHI sa bidding sa NBN.  (Jess Diaz)

vuukle comment

AMSTERDAM HOLDING INC

PULIDO

SHY

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with