^

Bansa

Taxi drivers na di nagsusukli ng tama lagot na

-

Sa harap ng nalalapit na Kapaskuhan kung saan inaasahang magiging in-demand ang mga taxi, isi­ nu­long ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang pa­nukalang magpapataw ng parusa sa mga tax drivers na tumatangging magbigay ng eksaktong sukli sa mga pasahero nito.

Sinabi ni Revilla na mas pinipili ng maraming commuters ang taxi bilang paraan ng transportasyon dahil sa pagiging kom­portable, kunsiderasyon sa oras o iba pang rason lalo na’t tuwing Kapaskuhan, pero madalas silang nabi­biktima ng mga tiwaling drivers na hindi nagbibigay ng tamang sukli.

Maraming taxi drivers aniya ang komokolekta ng sobrang pamasahe mula sa mga pasahero nito kabilang ang mga balikbayans at turistang nasakay mula sa airport na madali nilang nabibiktima.

“Matatawag natin itong simpleng hold-up. Kapag hiningi ng pasahero ang eksaktong sukli, ang kara­niwang sagot ay wala silang barya o unang biyahe pa lang nila. Kapag hindi na tayo kumilos, malamang na magpatuloy ang ganitong raket hanggang sa holiday season, “ani Revilla.

Bukod sa multa, suspin­dido ang driver pati na ang license to operate ng operator ng taxi. (Malou Escudero)

BUKOD

KAPAG

KAPASKUHAN

MALOU ESCUDERO

MARAMING

MATATAWAG

REVILLA

REVILLA JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with