^

Bansa

‘Sweetheart theory’  sa rape di umubra

-

Hindi umubra sa korte ang mga palusot ng isang 20-anyos na lalaking convicted sa rape sa paggamit ng ‘sweetheart theory’ at dati nang ka-sex ang 13-anyos na first cousin matapos kontrahin ito ng mga ebidensiya. 

Sa resolusyon ng Supreme Court (SC) 2nd Division na pinonente ni Associate Justice Leonardo Quisumbing, pinagtibay nito ang hatol ng Court of Appeals (CA) na nagpataw ng Reclusion Perpetua sa akusadong si Arnulfo Fernandez sa panggagahasa sa 13-anyos na pinsang itinago sa pangalang “Cheena” noong gabi ng Hulyo 1997, sa lalawigan ng Cebu.

Inatasan din ng SC ang akusado na bayaran ng P50-libo para sa moral damages at civil indemnity na P50-libo ang biktima.

Napatunayang walang duda ang ginawang panghahalay ng akusado matapos iprisinta sa mababang korte ang kumot at panty ng biktima na may naiwang dugo at bahid ng pagkalalaki ng akusado.

Sa rekord ng korte, noong Hulyo 7, 1997, inakyat ng akusado ang biktimang natutulog katabi ng mga nakababatang kapatid habang nasa labas ang ama ng biktima na inutusan niyang bumili pa ng alak. Tinakpan ang bibig ng biktima upang huwag mag-ingay at saka ginahasa.

Sa depensa ng akusado, iginiit niya na ‘nobya’ niya ang biktima sa loob ng 2 taon at ito pa umano ang nagyayang magtalik sila dahil ‘sex maniac’ umano ito.

Ayon sa  korte, malabong mangyari na ang bikti­mang 13-anyos ay nakikipagtalik na sa akusado noong ito ay 11-anyos pa lamang dahil base sa medico legal findings, sariwa ang laceration o sugat sa ari ng biktima at nakitang bago pa lamang napunit ang hymen nito. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ARNULFO FERNANDEZ

ASSOCIATE JUSTICE LEONARDO QUISUMBING

COURT OF APPEALS

HULYO

LUDY BERMUDO

RECLUSION PERPETUA

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with