^

Bansa

Sumuko na kayo!

- Nina Joy Cantos at Malou Escudero -

“Magsisuko na lang kayo!”

Ito ang panawagan ni Filipino boxing champion at bagong promote na si Philippine Army reservist Master Sergeant Manny “Pac­ man “Pacquiao sa mga ban­didong Abu Say­yaf Group (ASG) at Moro Islamic liberation Front (MILF) na target ng open­siba ng militar sa lalawi­gan ng Basilan at Sulu.

Sa panayam ng PSN, sinabi ni Pacquiao na sa halip umanong magma­tigas ang mga bandidong Sayyaf at MILF at ipag­patuloy ang pakikipagbak­bakan sa tropa ng militar ay mas makabubuting magsisuko na lamang ang mga ito upang maiwasan ang pag­kalagas ng mara­ming bu­hay.

“Mas mabuti sumuko na lang sila, bago ma-knockout sa AFP,” ani Pacquaio.

Naniniwala ang boxing idol na para sa ikatatahi­mik ng Mindanao ay mas marapat na ibaba ng mga bandido ang kanilang mga armas at magbalik-loob sa pamahalaan sa halip na hintayin pang tu­lu­yang malipol ang kani­lang grupo.

Si Pacman bilang Army Reservist ay nagha­handa na sa kaniyang planong pagbisita sa tropa ng militar sa Sulu at Ba­silan upang higit pang maiangat ang morale ng mga sundalo na labis na umiidolo sa sunud-sunod na tagumpay ng tinagu­riang “pambansang ka­mao.”

Hindi umano natatakot si Pacman na tumapak sa balwarte ng Abu Sayyaf sa Sulu at Basilan, gayun­din sa kuta ng MILF kung ito lang ang paraan para sila’y mapasuko.

“Hindi naman, bakit ako matatakot marami na akong nai-knockout sa boxing para matakot, saka pangarap ko talaga nung bata pa ako na maging sun­dalo,” sagot ni Pac­quiao.

Iminungkahi pa ni Pacman na dapat tigilan na rin ng Abu Sayyaf ang paghahasik ng terorismo tulad ng pambobomba at pangingidnap dahilan hindi ito makabubuti sa imahe ng bansa gayundin ay maka­kaapekto ito sa ekonomiya.   

Umaasa naman ang Malacañang na mahihika­yat ni Pacquiao ang mga rebelde na magbalik loob na sa pamahalaan sa san­daling bumisita sa Minda­nao ang pinakasikat na boksingero sa bansa upang pataasin ang morale ng mga sundalo.

Ayon kay Presidential Management of Staff head Cerge Remonde,  hindi na magtataka ang Palasyo kung may mga rebeldeng sumuko sa gobyerno sa sandaling bumisita sa Mindanao si Pacquiao.

Sinabi pa ni Remonde na hinahangaan niya si Pacquiao dahil sa pagna­nais nitong bisitahin ang mga tropa ng sundalo sa Mindanao kahit pa mapa­nganib para sa kanyang seguridad.       

Ayon pa kay Remon­de, talagang makikita kay Pacquiao ang matinding pagmamahal sa bayan at ikinatutuwa ito ng Malaca­ñang. 

Balak puntahan ni Pac­quiao ang Sulu at Basilan sa susu­nod na buwan upang ipakita ang suporta sa military na patuloy na luma­laban sa mga terorista sa Mindanao.

Inilarawan pa ni Pac­quiao sa isang “boxing match” ang pakikipagla­ban ng mga sundalo sa mga kaaway ng gob­yerno.

vuukle comment

ABU SAYYAF

BASILAN

MINDANAO

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with