^

Bansa

Impeachment vs GMA ‘di muna isusulong ni JDV

-

Tumanggi muna si House Speaker Jose de Venecia na isulong ang impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo kaug­nay sa lumutang na “suhu­lan” isyu kaya ito muna ang iimbestigahan ng Kamara.  

Ayon kay de Venecia, hindi muna niya ni-refer sa House justice committee ang impeachment complaint na inihain ni Atty. Roel Pulido na inendorso naman ni Laguna Rep. Ed­gar San Luis dahil hihin­tayin muna nila ang resulta ng imbesti­gasyon.

Maging ang nag-en­ dor­so ng impeachment complaint na si Rep. San Luis ay nakatakda ring gisahin ng ethics committee sa pag­papatuloy ng sesyon ng Kamara sa Nobyembre.

Binigyan ni JDV ng da­lawang linggo ang ko­mite para mag-imbestiga at may 10 araw naman ito para isulong ang impeachment complaint. Gaga­miting ba­tayan ang pag­sisiwalat ni Anakpawis Rep. Crispin Beltran na tinangka siyang alukin ng P2 milyong suhol umano ni Atty. Francis Ver, deputy secretary-general ng Ka­balikat ng Malayang Pilipino (KAMPI) para suportahan ang inihaing impeachment complaint kay Mrs. Arroyo. 

Iginiit naman ni San Luis na bagama’t 3-pahina lamang ang reklamo ni Atty. Pulido ay inendorso niya ito upang malaman ang kato­tohanan sa akusasyon laban kay GMA ukol sa National Broadband Network-ZTE deal.

Wika pa ni San Luis, konsensiya na lamang ng mga kongresista ang dapat nilang pairalin kung nais nilang malaman ang kato­tohanan sa akusas­ yon laban sa Pangulo. (Butch Quejada/Rudy Andal)

vuukle comment

ANAKPAWIS REP

BUTCH QUEJADA

CRISPIN BELTRAN

FRANCIS VER

HOUSE SPEAKER JOSE

KAMARA

LAGUNA REP

SAN LUIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with