4,000 barangays ‘hotspot’ - PNP
Aabot sa 4,000 barangay ang tinukoy ni PNP chief Avelino Razon Jr. bilang mga ‘hotspot’ areas sa darating na October 29 Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa buong bansa.
Kasama ang AFP ay nakatakda nilang isumite ang mga hotspots areas sa Comelec ngayon na karamihan sa natukoy na mga lugar ay sa Autonomous Region in Muslim Mindanao,
“We have identified some 4,144 barangays that are in our watchlist and this will be verified not only by the intelligence community of the PNP but also of the AFP,” dagdag ni Razon.
Sinabi naman ni AFP chief Hermogenes Esperon na ikakalat nila ang mga sundalo sa ibat ibang lugar bilang pagtupad sa kanilang tungkulin ngayong Barangay at SK elections.
Wika pa ni Gen. Esperon, sisikapin ng AFP at PNP na magiging malinis at mapayapa ang darating na halalan. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending