^

Bansa

‘Oust JDV’ suportado ng CBCP

-

Nagpahayag ng su­ porta ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa panawagang mapatalsik sa puwesto si House Speaker Jose de Vene­cia matapos na suma­bog ang kontrobersiya sa $329.48 milyong ZTE-National Broadband Network deal.

Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, matagal nang nakaupo bilang House Speaker si de Venecia at nararapat la­mang na bigyan na­man nito ng pagka­kataon ang ibang mambabatas na humawak sa nasa­bing posisyon.

Naniniwala si Archbishop Arguelles na mara­ming kongresista ang ka­rapat-dapat na pumalit kay JDV.

Sinabi naman ni Lin­ga­yen Archbishop Oscar Cruz na bagama’t pabor siyang mapatalsik si de Venecia sa Kongreso, duda rin naman siya na papayag si Pangu­long Arroyo.

Ani Cruz, napatu­na­ yan na ang loyalty ni de Ve­necia sa admi­nistras­yon at ma­rami na rin itong alam sa mga kalokohan ng pama­halaan. 

“In the event de Venecia is ousted, the President loses,” ani Cruz. Patunay la­mang ito na walang  perma­nen­teng kaibigan at kaaway pagdating sa pulitika.

Ang pagpapatalsik kay de Ve­necia ay bun­sod ng pag­bubulgar na ginawa ng anak nitong si Jose “Joey” de Venecia III  na tinangka umanong suhu­lan ni dating Comelec Chairman Benjamin Aba­los si dating NEDA director Romulo Neri ng P200 milyon upang palusutin ang nasabing deal. (Doris Franche)

ANI CRUZ

ARCHBISHOP ARGUELLES

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABA

DORIS FRANCHE

SHY

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with