FG ‘di padadaluhin ng mga doktor sa ZTE probe
Hindi umano papayagan ng kanyang mga doktor si First Gentleman Mike Arroyo na dumalo sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee kaugnay sa ZTE-NBN project.Ang Unang Ginoo ang pangunahing iimbitahan ng komite sa pagdinig nito sa Oktubre 25 matapos pangalanan ni Joey de Venecia III na nagpaatras sa kanya mula sa kontrobersiyal na kontrata.
Ayon sa kanyang anak na si Rep. Mikey Arroyo, hindi nila papayagan ang kanilang ama na humarap sa Senado dahil sa napanood niyang ginawa kina dating Comelec Chairman Benjamin Abalos at dating NEA director Romulo Neri, hindi maiiwasan na ma-stress ang First Gentleman. Ang stress anya ang isa sa ipinagbabawal sa pasyenteng nagkaroon ng aortic aneurysm. “Hindi mo kasi masabi ang puwedeng mangyari kapag kaharap na niya ang mga senador,” sabi ni Rep. Arroyo. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending