Nilinaw kahapon ng Malacanang na routine check-up lamang ang pagpunta ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Asian Hospital sa Alabang kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Presidential Security Group Commander Gen. Romeo Prestoza, walang dapat ikabahala ang publiko hinggil sa kalusugan ni Pangulong Arroyo dahil routine check-up lamang ang pagtungo nito sa pagamutan kamakalawa ng gabi.
Matagal na anyang nakaiskedyul ang check-up ng Pangulo subalit dahil sa sobrang hectic ng schedule nito ay kamakalawa lamang ng gabi nagkaroon ng pagkakataon si Mrs. Arroyo. (Rudy Andal)