Minamadali na ng Senado ang pagpasa sa Senate bill 1618 na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga magnanakaw ng cellphone.
Ayon kay Senate President Manuel Villar Jr., kabilang ang nasabing panukalang batas sa prayoridad ng Mataas na Kapulungan dahil na rin sa biglang pagtaas ng krimen sa nakawan ng cellphone sa bansa.
Sa ilalim ng panukala, makukulong hanggang 20 taon bukod sa multang hindi bababa ng P20,000 ang sinumang mapapatunayang nagnakaw ng cellphone.
Kapag ang nagnakaw ng cellphone ay nakapatay ng kanyang biktima ay mabibilanggo na ito ng habambuhay bukod sa multang hindi bababa ng P50,000. (Rudy Andal)