^

Bansa

Razon hinamon ng CBCP vs jueteng

-

Malaki ang paniniwala ng Simbahang Katoliko na aaksyunan din ng incoming chief ng Philippine National Police (PNP) na si Deputy Director General Ave­lino Razon, Jr. ang talamak na operasyon ng jueteng sa bansa tulad ng ginawa ng mga naunang hepe ng PNP.

Ayon kay Lingayen, Dagupan Archbishop Oscar Cruz, tiwala siya sa kakayahan ni Razon na maipatigil ang operasyon ng jueteng na matagal ng problema ng bansa sa oras na maupo na ito sa pwesto.

Iginiit ng arsobispo, nlider ng People’s Crusade Against Illegal Gambling, na hindi armas ang kailangan upang mapatigil ang jueteng sa bansa. Paliwanag niya, tanging kautusan lamang mula sa PNP chief ang kinakailangan upang maipatigil ang operasyon ng nasabing illegal numbers game. Una nang inihayag ni Cruz na patuloy ang pama­mayagpag ng jueteng sa bansa partikular sa Region 1 hanggang Region 5.

Ngayong araw opisyal na manunumpa si Razon bilang ika-14 hepe ng PNP kapalit ni outgoing PNP Chief Oscar Calderon. Pangungunahan ni Pangulong Arroyo ang turn-over ceremony sa Camp Crame, Quezon City. (Doris Franche/Danilo Garcia)

CHIEF OSCAR CALDERON

CRUSADE AGAINST ILLEGAL GAMBLING

DAGUPAN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

DANILO GARCIA

DEPUTY DIRECTOR GENERAL AVE

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with