Impeachment vs Abalos isusumite ngayon

Isusumite na ngayon sa House commitee on justice ang impeachment complaint laban kay Comelec Chairman Benjamin Abalos kasunod na rin ng pagkakakuha ni Iloilo Vice Gov. Rolex Suplico ng endorsement ng tatlong kongresista bunsod ng kontrobersiya sa national broadband network (NBN) deal.

Gayunman, dahil inaasahang mahaba ang proseso nito ay posibleng abutin na ng pagreretiro ni Abalos sa Pebrero ang naturang reklamo.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Teddy Casino, dapat ay makapagdesisyon na ang komite bago matapos ang taon dahil magbabakasyon na ang Kamara sa Oktubre. 

Nanindigan naman si House Speaker Jose de Venecia na agad niyang ipapasa ang impeachment complaint sa justice committee subalit mag-a-abstain siya sa botohan. (Butch Quejada)

Show comments