^

Bansa

Jinggoy, Nene hands-off!

-

Upang maging patas at makabuluhan ang gaga­wing imbestigasyon ng Senado sa kontrobersiyal na ZTE broadband project ay hiniling ng grupo ng mga abogado na mag-inhibit na lamang sa pagdinig sina Senators Aquilino Pimentel Jr. at Jinggoy Estrada.

Pinuna ni Atty. Leonard de Vera, dating private prosecutor sa Estrada plunder case at siya ring chairman ng Equal Justice for All Movement, na ang kaarogantehan at bias nina Sens. Pimentel at Estrada laban kay Comelec Chairman Benjamin Abalos ay nakapagbibigay ng alinla­ngan sa pagiging parehas ng imbestigasyon.

Ayon kay de Vera, ang pagtatanong ni Pimentel kay Abalos tungkol sa umano’y “babae” nito sa isang public relations specialist ay walang koneksi­yon sa tanong sa broadband project.

Sa kaso naman ni Jinggoy, sinabi ni de Vera na tulad ng alam ng Sam­bayanan, hindi pa kiniki­ lala ng senador hanggang nga­yon ang legalidad ng pagi­ging Pangulo ni Presidente Gloria Maca­pagal-Arroyo.

Sinabi ni de Vera na mas makabubuti kung ang ZTE investigation ay isasa­gawa na lamang sa hus­gado kung saan garanti­sado ang pagsunod ng lahat sa tamang proseso.

“Hindi tulad sa Senado na puwedeng magbato ang nagaakusa ng lahat ng klaseng bintang at maa­ang­hang na salita sa aku­sado dahil mayroon silang immunity sa naturang ka­pulungan,” ayon kay de Vera.

Ganito rin ang opinion ng batikang abogado at PSN columnist na si Atty. Jose Sison.

Sinabi ni Sison na sa husgado, ang mga pa­taka­ran sa ebidensiya ang na­susunod. Ang mga in­sulto at kaarogantehan ay hindi pinapayagan at hindi rin puwedeng halu­kayin ang pribadong buhay ng aku­sado kung hindi din lang ito konek­tado sa kaso.

“Tutal ang Senado ay magrerekomenda lamang, ang husgado pa rin ang may awtoridad pagdating sa mga usapin at desisyon sa mga kaso ng katiwa­lian,” ayon kay Sison.

Idinagdag pa ni de Vera na ang impeachment complaint na isinampa laban kay Abalos ay maaaring magdulot ng constitutional crisis sapagkat ang Sena­do na nag-aakusa sa kanya ay siya ring lilitis ng reklamo. 

Samantala, itinanggi kahapon ni Sen. Joker Arroyo na pinagbawalan niya si dating NEDA director Romulo Neri na ibunyag ang kanyang nalalaman kaugnay sa NBN-ZTE deal. 

Sinabi ni Arroyo na sasagutin niya ang mga alegasyong ito sa sanda­ling magpatuloy ang Senate inquiry kaugnay sa broadband project. (May ulat ni Rudy Andal)

ABALOS

ALL MOVEMENT

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

EQUAL JUSTICE

SENADO

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with