Ipatatawag ng Department of Justice (DOJ) si dating Intelligence Agent Vidal Doble Jr. upang sagu tin ang kasong perjury na inihain laban sa kanya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Sinabi ni acting Justice Secretary Agnes Devanadera, ipatatawag nila si Doble upang sagutin sa isang Preliminary Investigation (PI) ang kaso na ibinase ng CIDG sa transcript of record sa isinagawang pagdinig ng Senado kaugnay pa rin sa wiretapping isyu.
Nag-ugat ang kaso matapos na ihayag noon ni Doble na siya ay idinetine sa seminaryo subalit sa salaysay nito sa pagdinig sa Senado sinabi nito na buluntaryo siyang pumunta sa seminaryo.
Iginiiit ni Devanadera na under oath ang inihayag ni Doble kaya malinaw na malinaw na magkaiba ang kanyang naging pahayag.
Sa kabila nito nilinaw naman ni Devanadera na bibigyan nila ng “due process” si Doble bago isampa ang kasong criminal sa korte.
Samantala, ipauubaya naman nito sa Prosecutor na hahawak sa preliminary investigation kung dapat ding ipatawag pa si dating NBI Atty. Samuel Ong.
Wala pang itinakdang petsa ang DOJ kung kailan isasagawa ang PI. (Gemma Amargo-Garcia)