^

Bansa

Perjury pinapasagot kay Doble

-

Ipatatawag ng Department of Justice (DOJ) si dating Intelligence Agent Vidal Doble Jr. upang sagu­ tin ang kasong perjury na inihain laban sa kanya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sinabi ni acting Justice Secretary Agnes Devana­dera, ipatatawag nila si Doble upang sagutin sa isang Preliminary Investigation (PI) ang kaso na ibinase ng CIDG sa transcript of record sa isinaga­wang pagdinig ng Senado kaugnay pa rin sa wiretapping isyu.

Nag-ugat ang kaso matapos na ihayag noon ni Doble na siya ay idinetine sa seminaryo subalit sa salaysay nito sa pagdinig sa Senado sinabi nito na buluntaryo siyang pumunta sa seminaryo.

Iginiiit ni Devanadera na under oath ang inihayag ni Doble kaya malinaw na malinaw na magkaiba ang kanyang naging pahayag.

Sa kabila nito nilinaw na­man ni Devanadera na bi­bigyan nila ng “due process” si Doble bago isam­pa ang kasong criminal sa korte.

Samantala, ipauubaya naman nito sa Prosecutor na hahawak sa preliminary investigation kung dapat ding ipatawag pa si dating NBI Atty. Samuel Ong.

Wala pang itinakdang petsa ang DOJ kung kailan isasagawa ang PI. (Gemma Amargo-Garcia)

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEVANADERA

GEMMA AMARGO-GARCIA

INTELLIGENCE AGENT VIDAL DOBLE JR.

JUSTICE SECRETARY AGNES DEVANA

PRELIMINARY INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with