^

Bansa

‘Sorry’ ni Miriam tinanggap ng China

-

Tnanggap na kahapon ng Chinese Embassy ang “sorry” ni Sen. Miriam Defensor-Santiago kaugnay sa pahayag ng senadora na “imbentor ng corruption ang mga Intsik” sa hearing ng Senado sa NBN-ZTE contract.

Ipinadala mismo sa tanggapan ni Santiago sa Senate building ang sagot ni Ambassador Song Tao, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary of the People’s Republic of China to the Republic of the Philippines, kung saan nakasaad na malugod nilang tinatanggap ang paumanhin nito para sa kanilang bansa at para sa mga buong mamamayan ng Tsina.

“I hope to make joint efforts with you and the people from various circles of the Philippine society for the further enhancement of China-Philippine friendship and mutual cooperation, so as to benefit the two people’s,” sabi pa ni Tao.

Sa sulat ni Santiago kay Song Tao, sinabi nito na nagkaroon lamang ng “misimpression” sa sinabi niya tungkol sa mga Intsik.

Ipinaliwanag din ni Santiago na hindi siya nag-walk out sa Senate hearing noong Miyerkules kundi umalis lang siya matapos ang interpe­lasyon dahil dumaranas siya ng ‘chronic fatigue syndrome’. (Malou Escudero)

AMBASSADOR EXTRAORDINARY AND PLENIPOTENTIARY OF THE PEOPLE

AMBASSADOR SONG TAO

CHINESE EMBASSY

INTSIK

MALOU ESCUDERO

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

REPUBLIC OF CHINA

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

SONG TAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with