^

Bansa

Tulong ng PASG hingi ng hog farmers

-

Hiniling kahapon ng National Federation of Hog Farmers Inc. (NFHFI) sa Presidential Anti-Smug­gling Group (PASG) na bantayan ang napipintong pagpapa­ lusot ng mga im­ported na manok, karneng baboy at sibuyas lalo nga­yong ma­lapit na ang Kapaskuhan.

Sa liham ni Albert Lim, pangulo ng NHFI, kay PASG chief Antonio Villar Jr., nagboboluntaryo rin ang kanilang asosasyon mula sa Luzon, Visayas at Mindanao na tumulong sa PASG para hadlangan ang planong smuggling ng mga agricultural poducts.

Sinabi ng NFHFI kay Usec. Villar, dapat banta­yang mabuti ang mga refri­gerated container vans na pumapasok sa Bureau of Customs (BOC) dahil kali­mitan sa mga ito ay mis­declared ang items o under­­valued na agricul­tural products na ang iba ay hindi dumaan sa Vete­rinary Quarantine Clea­rances. 

“These illegally impor­ted meat and poultry pro­ducts that enter the country without the VQC could be carriers of di­seases like FMD (foot and mouth) for pork and avian flu for chicken,” wika pa ni Lim sa liham nito sa PASG chief.

Nagpasalamat naman si Villar sa NFHFI dahil sa pagtitiwala nito sa PASG. (Rudy Andal)

ALBERT LIM

ANTONIO VILLAR JR.

BUREAU OF CUSTOMS

HINILING

NATIONAL FEDERATION OF HOG FARMERS INC

PRESIDENTIAL ANTI-SMUG

QUARANTINE CLEA

RUDY ANDAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with