^

Bansa

Miriam nag-walkout

-

Galit na nilisan ni Senator Miriam Defensor-San­ tiago ang hearing kahapon ng Senado sa kontrober­siyal na national broadband network (NBN) contract dahil nakakaladkad lamang umano ang Mataas na Kapulungan sa pinag-aawayang “kickback”.

Sinabi ni Santiago na hindi siya pabor sa isina­sagawang imbestigasyon dahil may mas dapat pag­tuunan ng pansin ang Senado katulad ng pagdinig sa 2008 national budget at ang pagratipika sa JPEPA o ang tratado sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Naniniwala si Santiago na hindi na dapat makalad­kad ang Senado sa pag-aagawan umano sa kickback mula sa isang legal at lehitimong proyekto ng gobyerno katulad ng NBN.

“Pinag-aawayan ni’yo lang kickback nyo. Inaak­saya ni’yo lang ang oras ng Senado,” galit na pahayag ni Santiago sabay tayo at saka lumabas ng plenaryo.

Pinuna din nito na ka­ramihan naman sa mga senador ay walang legal at trial background kaya hindi ang mga ito dapat magsil­bing prosecutor sa imbes­tigasyon.

Tahasang sinabi ni San­tiago na nag-aalburuto lamang si Joey de Venecia dahil na-double crossed ito sa kontrata.

“Na-double crossed siya eh kaya siya galit. But they were all initially part of a criminal conspiracy…to earn money illegally from a legitimate project,” pahayag ni Santiago.

Pero idinagdag nito na naniniwala siya sa kredibi­lidad ni Neri na isa uma­nong academician at wala namang kinalaman ang kanyang opisina sa pagbi­bigay ng kontrata. Ang tanging ginagawa lamang umano ng NEDA ay ang magsagawa ng theoretical at academic studies kaug­nay sa isang proyekto. (Malou Escudero)

GALIT

INAAK

KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

SENADO

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with