Neri bibitbitin ni GMA sa Amerika

Isasama ba o  hindi ni Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo si  Commission on Higher Education at dating National Economic Deve­lopment Authority secretary-general Romulo Neri sa pagtungo niya sa United States nga­yong Martes?

Lumitaw ang katanu­ngang ito dahil sa mag­kataliwas na ulat hing­gil sa posibleng pag-alis ni Neri palabas ng bansa isang araw bago ang tak­dang pagharap niya sa imbestigasyon ng Senado sa anomalya sa $330 mil­yong kon­trata ng pama­ha­laan sa ZTE Corp. ng China para sa National Broad­band Network project.

Sa isang pagdinig sa House of Representatives, iniulat ng ABS-CBN na binanggit ni Neri na sinabihan siya ng Department of Foreign Affairs na kasama siya ng Pangulo sa pagtungo sa US para dumalo sa isang pulong sa United Nations.

Tatalakayin ng Pa­ngulo sa UN ang mille­nium development goal ng pama­halaan na kabi­lang sa nagplano ay si Neri noong nasa NEDA pa siya.        

Gayunman, ayon sa ulat, hindi malinaw kung ti­nanggap ni Neri ang imbi­tasyon sa pagtungo sa US.

Nais malaman ng Se­nado kung ano ang nala­laman ni NERI sa kon­trata sa NBN dahil tinang­gihan niya ito noong namu­muno pa siya  sa NEDA.

Kahapon ng hapon, iniulat ng ABS-CBN na pinabulaanan ni Press Secretary Ignacio Bunye na kasama si Neri sa biyahe ng Pangulo. Kina­­ launan kahapon din, tinuwid ito ni Bunye at sinabing kasama si Neri. (Rudy Andal)

Show comments