‘Good Morning Kuya!’ hitik  sa libreng serbisyo publiko

Hitik sa serbisyo pub­liko ang pinakabagong programa ng UNTV Channel 37 na “Good Morning Kuya (GMK)” na ngayon ay nasa ikatlong linggo na ng pagsasahimpapawid.

Mapapanood mula Lunes hanggang Biyer-nes, alas-4:45 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi, ang GMK ang nagpabago ng depinis­­ yon ng bawat isa ukol sa isang maaa­sahan at maka­buluhang morning show. 

Sa pangunguna ni Mr. Public Service, Kuya Da­niel Razon, alay ng GMK sa ating mga kababayan ang mga libreng serbisyo na maaaring pakinaba­ngan ng mga mamama­yan gaya ng libreng kon­sul­tas­yon sa mga legal     na usa­pin, Job fair at ser­bisyo medikal.

Araw-araw, ang “Clinic ni Kuya ay palaging una   sa pagbibigay ng libreng konsultasyon, libreng laboratory tests, libreng gamot at libreng minor surgical operation, sapagkat ito     ay bukas na alas kwatro y medya pa lamang ng  uma­­ga, bago pa man magsi­mula ang GMK.

Ang lahat ng mga mang­­gagamot sa iba’t ibang larangan ng medi­sina ay inaaanyayahang makila­hok sa makabulu­hang ga­waing ito upang matugu­nan ang bawat pa­nganga­ilangan ng mama­mayan.

Show comments