^

Bansa

P100-M kontrabando sinalakay

-

Sinalakay kahapon ng mga operatiba ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang mala­king warehouse sa Tondo, Maynila na nakumpiska­han ng P100 milyong halaga ng kontrabando o smuggled goods.

Sinabi kahapon ni PASG Undersecretary Antonio “Bebot” A. Villar Jr., na mahigit isang bu­wan nilang tiniktikan ang bodega ng Ran Property and Management na ma­tatagpuan sa panulukan ng A. Rivera at Bambang Sts., gamit ang Warrant of Seizure and Detention (WSD).

Sinasabing naglala­man ng mga smuggled goods ang mga bodega kaya binigyan umano muna ng 72 oras ni Villar ang may-ari nito na mag­pakita ng kaukulang do­kumento subalit bigo ang mga ito.

Nasamsam ang mga kemikal, agricultural product, electronic items, toys, DVD players, tsinelas, RTW, hardwares at personal na gamit gaya ng tuwalya at kumot.

Sinabi ni Villar na ang kontrabando ay walang available bill na naka-paste, packing list, corresponding  entries, gate pass at customs official receipts na madalas na nakikita sa kahit na anumang shipment ng mga goods para ma­ikunsiderang legally imported.

Nabatid na may inim­bitahan ang PASG na 22  Chinese nationals na naroon at nangangasiwa sa bodega. Ang mga ito ay wala ring maipakitang legal na dokumento ka­ug­nay sa  travel documents. (Ludy Bermudo)

BAMBANG STS

LUDY BERMUDO

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

RAN PROPERTY AND MANAGEMENT

SHY

SINABI

UNDERSECRETARY ANTONIO

VILLAR JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with