^

Bansa

Recycling solusyon sa problema sa basura – Villar

-

Dahil sa lumalalang problema sa basura, iginiit kahapon ni Senate President Manuel Villar Jr., na ipatupad sa buong bansa ang recycling upang ma­katulong na mabawasan ang pagbara nito sa mga kanal na siyang nagdu­dulot naman ng malawa­kang pagbaha.

Sinabi ni Villar na dapat ipatupad ito sa mga paaralan at ang mga mag-aaral naman ang magpa­paliwanag sa kanilang mga tahanan at pamayanan hinggil sa pag-recycle ng mga itinatapong gamit na puwede pang pakina­bangan.

Isinisisi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga basura na karaniwan ay mga plastik na nakabara sa mga kanal na nagdudulot ng malawakang pagbaha tuwing tag-ulan.

Sa kanyang Senate Bill 19 o  “An act requiring the recycling and  utilization of recycled materials by educational institution” ay aatasan ang mga paaralan na gumamit ng mga papel o 15% recycled materials sa kanilang mga school projects.

Ang DENR naman ang magtuturo sa mga paraan ng pag-recycle kung saan tutukuyin nila ang paghihi­walay ng mga pwedeng i-recycle at hindi pwede, pamamaraan ng pagtunaw nito, paglagay ng local na drop-off point at panga­nga­siwa sa kam­panya ukol dito. (Malou Escudero)

DAHIL

ISINISISI

MALOU ESCUDERO

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SENATE BILL

SENATE PRESIDENT MANUEL VILLAR JR.

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with