^

Bansa

Missing Pinay sa Dubai nakitang naaagnas na bangkay

-

Isang Pinay domestic helper na unang napaulat na nawawala ang natagpuan na naagnas ang bangkay  sa isang villa sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).

Si Mary-Ann Carbellido, 38, tubong Toledo City, Cebu ay kinilala ng kanyang kapatid na si Annariza Tangan sa pamamagitan ng ipinadala ng awtoridad ng Dubai na relo at damit ng biktima.

Inireport siyang nawala noong Agosto 12 habang nag-aaral umano ng pagmamaneho ng sasakyan.

Isang Bangladeshi sa pangalang Habib ang pinaghahanap ngayon ng awtoridad. Si Habib ay dating­ driver ng employer ng biktima at in-love umano sa huli. Ngunit inayawan ito ng biktima dahil may-asawa na dahilan para pagbantaan ng suspek ang biktima na pa­pa­tayin kapag siya’y binasted.

Ang biktima ay may tatlong anak na naiwan sa Pilipinas.  (Joy Cantos )

AGOSTO

ANNARIZA TANGAN

DUBAI

ISANG BANGLADESHI

ISANG PINAY

JOY CANTOS

SI HABIB

SI MARY-ANN CARBELLIDO

TOLEDO CITY

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with