Makati RTC hindi nag-isyu ng TRO sa DOTC Dep’t Order
Niliwanag ng Makati Regional Trial Court (RTC) na wala itong naipalalabas na Temporary Restraining Order (TRO) hinggil sa Department of Transportation and Communications (DOTC) Department Order 2007-28.
Ayon kay Makati RTC Judge Cesar Santamaria ng Branch 145, ang kanyang naipalabas na order noong Agosto 6, 2007 ay nagsasabi na pumapayag ito sa DOTC sa pammagitan ng tanggapan ng Solicitor General na ang DOTC ay boluntaryong gagawa ng komento kayat hindi pa maipatutupad ang naturang DOTC order sa loob ng 25 araw.
Nilinaw din ni Judge Santamaria na ang kanyang order noong Agosto 6 ay walang sinasaad na anumang pahayag na ang DOTC D.O. 2007-28 ay pumapabor lamang sa iisang insurance provider.
Una rito, kinondena ng cause oriented groups na pinamumunuan ng Department of Tourism United Accredited Taxi Drivers Association (DTUATDA) at militanteng Pinagisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide(PISTON) hinggil sa paglipana ng mga pekeng Compulsory Third Party Liability (CTPL).
- Latest
- Trending