12 Magdalo officers sinibak na sa serbisyo

Sinibak na sa serbisyo ng General Court Martial (GCM) ang 12 Magdalo officers na lumahok sa Oakwood mutiny noong Hulyo 27, 2003.

Sa ibinabang hatol ng GCM, napatunayang guilty sa paglabag sa Article of War (AW) 96  o Conduct unbecoming an officer and a gentleman ang mga junior officers ng tangkain nilang ibagsak ang administrasyong Arroyo.

Dinismis sa serbisyo sina Captains Gerardo Gambala, Milo Maestrecampo, Albert Baloloy, Alvin Ebreo, Lawrence Somera at John Andres, sina First Lieutenants Rex Bolo, Von Rio Tayab, Audie Tocloy, Cleo Donga-as, Florentino Somera at  Brian Yasay.   

Hindi tatanggap ng suweldo, allowance at iba pang mga benepisyo ng nasabing mga sundalo.  (Joy Cantos )

Show comments