Hihingin ng Public Attorney’s Office ang tulong ng Commission on Human Rights upang maobliga ang gobyerno na mapalaya ang mga nasentensiyang akusado sa pagkamatay ni dating Senador Benigno Aquino Jr.
Sinabi ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta na ang mga akusado ay nakapagsilbi na sa kulungan ng matagal nang panahon kaya maaari nang makakuha ang mga ito ng executive clemency.
Hihilingin din ni Acosta sa CHR na hikayatin nito si dating pangulong Corazon Aquino na huwag harangin ang posibilidad na mapalaya ang mga akusado sa pagkamatay ng asawa nito kung sakaling mabibigyan ang mga ito ng executive clemency. (Grace dela Cruz)