Tuluyan nang pinawa lang-sala ng Court of Appeals (CA) ang isang sundalo na kinasuhan ng kaniyang misis dahil sa umano’y tangkang pagpapalaglag sa batang nasa sinapupunan nito.
Sa desisyon ng CA 10th Division, ibinasura nito ang inihaing petisyon ni Wilma Cuison na humihiling na maitama ang umano’y pagkakamali ng Makati Regional Trial Court (RTC) nang ibasura ang kasong parricide laban sa asawang si Army Lt. Lowell Cuison.
Sinabi ng CA na ang pag-aabswelto kay Lt. Cuison sa kasong isinampa ng kaniyang maybahay ay hindi na maaring buhayin pa dahil umiiral na ang batas na double jeopardy kung saan hindi na maaring litisin ang isang akusado na nauna nang napawalang-sala sa kaparehong kaso.
Dagdag pa ng CA, walang nagawang pag-abuso si Judge Leticia Morales ng Makati RTC nang ibasura ang kaso laban kay Cuison.
Sinabihan ng CA si Wilma na hindi nila maaring dinggin ang petition for certiorari nito dahil sarado na ang kaso, maliban na lamang kung mapapatunayan nito na nagkaroon ng ‘mistrial’ o pagkabigon makapagprisinta ng mga ebidensya habang dinidinig ang kaso.
Sa rekord ng kaso, noong Setyembre 1995 ay pinuwersa umano ni Cuison si Wilma na umi nom ng mga gamot na maituturing na pampalaglag. Ipinasok pa umano ni Cuison ang mga tableta sa ari ng kaniyang misis at saka siya pinuwersang makipagtalik.
Sa medical rekord ng biktima, lumitaw na walang pwersahang pagpapa-abort na naganap, kundi ang nangyari lamang ay isang non-induced abortion. (Doris Franche)