^

Bansa

Sundalo inabswelto sa abortion

-

Tuluyan nang pinawa­ lang-sala ng Court of Appeals (CA) ang isang sun­dalo na kinasuhan ng kani­yang misis dahil sa umano’y tangkang pagpapalaglag sa batang nasa sinapupunan nito.

Sa desisyon ng CA 10th Division, ibinasura nito ang inihaing petisyon ni Wilma Cuison na humihiling na maitama ang umano’y pag­kakamali ng Makati Regional Trial Court (RTC) nang ibasura ang kasong parricide laban sa asawang si Army Lt. Lowell Cuison.

Sinabi ng CA na ang pag-aabswelto kay Lt. Cuison sa kasong isinampa ng kaniyang maybahay ay hindi na maaring buhayin pa dahil umiiral na ang ba­tas na double jeopardy kung saan hindi na maaring litisin ang isang akusado na nauna nang napawalang-sala sa kaparehong kaso.

Dagdag pa ng CA, wa­lang nagawang pag-abuso si Judge Leticia Morales ng Makati RTC nang ibasura ang kaso laban kay Cuison.

Sinabihan ng CA si Wilma na hindi nila maaring dinggin ang petition for certiorari nito dahil sarado na ang kaso, maliban na la­mang kung mapapatu­nayan nito na nagkaroon ng ‘mistrial’ o pagkabigon makapagprisinta ng mga ebidensya habang dinidinig ang kaso.

Sa rekord ng kaso, noong Setyembre 1995 ay pinuwersa umano ni Cuison si Wilma na umi­ nom ng mga gamot na maituturing na pampa­laglag. Ipinasok pa umano ni Cuison ang mga tableta sa ari ng kaniyang misis at saka siya pinuwersang makipagtalik.

Sa medical rekord ng biktima, lumitaw na walang pwersahang pagpapa-abort na naganap, kundi ang nangyari lamang ay isang non-induced  abortion. (Doris Franche)

vuukle comment

ARMY LT

COURT OF APPEALS

CUISON

DORIS FRANCHE

JUDGE LETICIA MORALES

LOWELL CUISON

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with