^

Bansa

Marines vs Sayyaf: 57 todas

- Joy Cantos -

Labinlimang (15) sun­dalo ng Philippine Marines kabilang ang limang ba­tang opisyal ang napatay habang tinatayang mahigit 40 ang nalagas sa panig naman ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa uma­ati­kabong bakbakan na su­miklab kahapon ng umaga sa Brgy. Silang­kum, Ung­kaya Pukan, Basilan.

Ayon kay AFP-Public Information Office (AFP- PIO) Chief Lt. Col. Barto­lome Ba­carro, alas–6:25 ng umaga nitong Sabado ng mag-umpisa ang sagu­paan matapos salakayin ng tropa ng Marine Reconnaissance Company ang kuta ng may 70 mga ban­dido na pinamumu­nuan ni Kumander Fu­ruji Indama.

Nagsagawa naman ng  blocking  operations ang  31st  Marine Company na sinagupa rin ng reinforcement troops ng may 50 pang mga bandidong Say­yaf kaya naging matindi ang labanan.

Hindi muna tinukoy ang pangalan ng mga nasa­wing sundalo da­hil kaila­ngan pang impormahan ang ka­nilang mga pamilya. Pito pa ang iniulat na nasugatan.

Sa panig ng mga ka­laban, kabilang sa mga napatay sina Sayyaf Commander Umair Indama alyas Abu Jihad, isa sa apat na bandido na sang­kot sa pamumugot ng ulo ng 10 sa 14 napatay na Marines nitong Hulyo 10 at  isang Alimali Amirul.

Ayon naman kay Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Eugenio Cedo, maaaring madagda­gan pa ang bilang ng napa­tay na Abu rebels ma­tapos gumamit ng air strikes ang reinforcement MG250 attack helicopter at OV 10 bomber plane  ng Phil. Air Force na sumaklolo sa ground troops ng Marines sa lugar.

Sinabi ni Cedo na anim na bangkay ng mga bandido ang na­rekober at marami pa ang nagkalat sa gubat habang ang iba ay nahila ng mga nag­sitakas nilang kasa­mahan.

Si Indama ay lider ng ASG na aktibong nagsa­sagawa ng ope­rasyon sa Silangkum sa Tipo-Tipo Central ng nasabing lala­wigan.

Sa kasalukuyan ay aabot sa 6,000 sundalo na ang nakadeploy sa Basilan kabilang ang limang ba­talyon ng Marines na tumutugis sa grupo ng Muslim pugot-rebels.

Samantala,  uma­abot na sa 4, 513 pa­milya o kabuuang 22, 887 katao ang nagsi­likas sa takot na maipit sa sagupaan.

Ayon kay National Disaster Coordinating Council (NDCC) Executive Director Glenn Rabonza, kabilang sa mga nagsialis sa kani-kanilang mga tahanan ay 2, 722 pamilya mula sa Sulu at 1, 791 na­man sa Basilan.

Kinukupkop na ang mga residente sa mga evacuation center sa ba­yan ng Indanan at Parang na itinayo ng NDCC sa Sulu. Nama­hagi na rin ang NDCC ng 5,000 sako ng bigas sa lokal na pamaha­laan at 25 tents para sa evacuees.

ABU JIHAD

ABU SAYYAF GROUP

AYON

BASILAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with