^

Bansa

Parusa sa Alyas ipinatataas

-

Sa kabila ng ka­ song kinakaharap ni dating Pangulong Joseph Es­trada sa Sandigan­bayan kung saan naha­harap ito sa kasong “illegal use of alias”, nais naman ng anak niyang si Sen. Jose “Jinggoy” Estrada na taasan ang parusa sa mga taong gumagamit ng hindi totoong pangalan sa publiko.

Nais ni Sen. Estrada na amiyendahan ang batas kaugnay sa ilegal na paggamit ng hindi totoong pangalan na ginagawa ng ilang indi­biduwal upang mata­kasan ang naga­wang krimen; makaligtas sa kaso; o kaya’y maka­pa­minsala sa publiko.

Sa panukala ni Es­trada, ipinaliwanag nito na sa kasalukuyan, “aresto mayor” lamang ang ipi­ napataw sa mga nasabing indibiduwal o pagkakulong ng mula isang buwan hanggang anim na buwan at mul­tang hindi hihigit sa li­mang daang piso (P500).

Ayon kay Estrada, ka­ limitan na yaong may mas mabigat na krimen katulad ng rape o murder ang mga gumagamit ng pekeng pangalan kaya dapat lamang na taasan din ang parusa sa kanila. (Malou Escudero)

AYON

ESTRADA

JINGGOY

MALOU ESCUDERO

PANGULONG JOSEPH ES

SANDIGAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with