Dulmatin sugatan sa bakbakan sa Sulu

Kinumpirma kahapon ni Armed Forces of the Philippines­ (AFP) Chief of Staff Gen. Hermo­genes Esperon Jr.  na nasugatan ang bomb expert ng Jemaah Isla­mi­yah­­ na si Dulmatin, sa engkuwentro ng tropa ng Philippine Army at nagsa­nib puwersang Abu Sayyaf at break­away group ng Moro National Liberation Front sa Sulu noong Hulyo 9.

Gayunman, ayon kay Esperon ay patuloy ang isi­na­sagawa nilang beripi­kasyon sa pagkasugat ni Dulmatin at isang malaking accomplishment kapag nakuha ito sa Sulu ng tropa ng militar buhay man o patay.

Binigyang diin ni Espe­ron na makakaapekto sa operasyon ng Abu Sayyaf at MNLF breakaway group ang sinasabing pagkasu­gat ni Dulmatin  (Joy Cantos)

Show comments