^

Bansa

Egay super typhoon na

-

Isa nang super typhoon ang bagyong Egay maka­raang ma­itala ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa)  ang hangin nito na may lakas na 215 kilometro bawat oras at may pa­bugso hanggang  250 kilometro bawat oras at kumikilos pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 km kada oras.

Ayon sa Pagasa, baga­man hindi direktang tatama sa Metro Manila ang bagyo, malakas na ulan ang bubuhos mula nga­yong araw hanggang Sa­bado dahil hihilahin ni Egay ang habagat. Sa tubig umano tatama ang bagyo at hindi sa lupa kaya ina­asahang mag-iipon ito ng lakas.  

Nakataas na ang signal number 2 sa buong Bata­nes group of islands habang signal no. 1 sa  Cagayan,  Babuyan Islands, Isabela at Catan­duanes.

Pinayuhan ng Pag­asa ang publiko na pala­giang magmonitor sa update tungkol sa bagyo. Parti­kular ang MM, Ilo­cos, Luzon, Western Visa­yas at Bicol Region.

Inaasahang mana­natili sa bansa si Egay hanggang Sabado o Linggo. (Angie dela Cruz)

BABUYAN ISLANDS

BICOL REGION

EGAY

PAGASA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

SHY

WESTERN VISA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with