^

Bansa

Hukom nagnakaw ng halik, abswelto sa SC

-

Inabsuwelto kahapon ng Korte Suprema ang isang hukom sa Davao City na nagnakaw ng halik sa kanyang court stenographer.

Ayon sa desisyon, hindi sapat ang ebidensiya upang maparusahan si Davao City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Emmanuel Carpio sa kasong sexual harassment na isinampa ni Erling Alcuizar, court stenographer, sa kabila ng naunang finding ng Court of Appeals na guilty si Carpio  at inirekomendang masus­pinde ng anim na buwan.

Sa reklamo ni Alcuizar, nasa loob siya ng comfort room ng chamber ng hukom ng bigla na lamang itong pumasok at nakawan siya ng halik at muntik pa umanong maulit ang insidente subalit nagbanta siyang sisigaw kung muli siyang hahalikan ni Carpio. Mayroon din umanong mga pagkakataon na hina­hawakan ng Hukom ang kanyang hita at pagka­tapos ay kikindatan siya.

Pinabulaanan naman ni Carpio ang alegasyon at sinabi nitong hindi niya magagawa ang ibinibin­tang dahil may iba pang empleyado sa loob ng kan­yang tanggapan. Subalit inamin nito na kinindatan niya si Alcuizar pero kan­yang nilinaw na ginagawa naman niya ito sa iba pa niyang mga tauhan at mga kakilala bilang pagbati sa mga ito kahit na babae o la­ laki man. (Gemma Garcia)

ALCUIZAR

CARPIO

COURT OF APPEALS

DAVAO CITY

DAVAO CITY REGIONAL TRIAL COURT

ERLING ALCUIZAR

GEMMA GARCIA

KORTE SUPREMA

PRESIDING JUDGE EMMANUEL CARPIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with