^

Bansa

Deputy Speaker para sa 3rd sex

- Butch M. Quejada -

Malamang humingi na rin ng kinatawan sa Kamara ang mga kasapi ng “third sex” dahil sa pagkakahirang ni Occidental Mindoro Rep. Ma. Amelita Villarosa bilang Deputy Speaker for Women.

Sa panukala ni Que­zon City Rep. Annie Rosa Susano, unfair na magkaroon ng kinata­wan ang kababaihan habang walang kuma­katawan sa mga bakla at tomboy.

Ayon kay Susano, sapat na ang apat na deputy speakers at dapat ay pinagbotohan muna ang pagkakaroon ng deputy speaker for women bago nagha­lalan.

Bunsod sa isyu ng “Deputy Speaker for the Third Sex,” iminungkahi ni Zambales Rep. Antonio Diaz na katawanin ni Susano ang mga gays at lesbians.

“I move that the House rules be amen­ded to include a perfect gender balance,” wika ni Diaz.

Sa ngayon ay hindi pa alam ng mga kon­ gre­­sista kung paano rere­solbahin ang pro­blema sakaling mag-lobby nga ang mga homosexuals at lesbians sa Kongreso para sa deputy speaker.

Tanong ng ilang kongresista, willing ba naman ang mga kasa­ma­han nilang mamba­batas na magladlad para isulong ang panukalang “Deputy Speaker for the Third Sex”?

Ang House leadership ay binubuo nina Speaker Jose de Vene­cia at limang deputies na sina Reps. Eric Singson (Ilocos Sur) at Arnulfo Fuentebella (Camarines Sur) na kumakatawan sa Luzon, Raul del Mar (Cebu) para sa Visayas, Simeon Datumanong (Maguindanao) para sa Mindanao at Villarosa (Mindoro Occidental) para sa kababaihan.

AMELITA VILLAROSA

ANG HOUSE

DEPUTY SPEAKER

PLACE

SHY

THIRD SEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with