^

Bansa

Militar di sumipot sa Burgos

-

Pinagalitan ng mahistrado ng Court of Appeals ang military matapos na mabigong dumalo ang mga opisyal nito sa pagdinig kahapon sa habeas corpus petition para sa nawawalang aktibistang si Jonas Burgos.

Pinuna ni Associate Justice Remedios Fernando ang kabiguan ni Armed Forces of the Philippines provost marshall  Col. Arthur Abadilla na makadalo sa pagdinig gayong siya mismo ay namangka pa sa Pampanga para lang makapunta sa CA.             

Iginiit naman ni Assistant Solicitor General Amparo Tang na sinusunod lang ng AFP ang isang memorandum na nagbabawal sa pag­lalabas ng mga classified information bukod sa, kahit nakarating si Abadilla, wala itong maipa­pakitang report sa imbestigasyon sa pagkawala ni Burgos dahil hawak ng Department of National Defense ang dokumento.

Sinabi naman ng ina ni Burgos na si Editha na mistulang hindi nirerespeto ng AFP ang kapangyarihan ng CA na nag-aatas sa kanilang isumite ang report upang mabatid ang mga detalye sa isinagawang imbestigasyon ng military. (Gemma Amargo-Garcia)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARTHUR ABADILLA

ASSISTANT SOLICITOR GENERAL AMPARO TANG

ASSOCIATE JUSTICE REMEDIOS FERNANDO

BURGOS

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with