Nais ni Senate Minority Leader Aquilino “Nene” Pimentel Jr., na ipagbawal sa mga cellular phone companies ang pagpapadala ng mga spam at unsolicited messages.
Sa Senate Bill 1138 ni Pimentel, nais din nitong ipagbawal ang mga commercial ads at mga pa-contests sa pamamagitan ng cellular phones na ipinapadala sa pamamagitan ng short messages service o text.
Ayon kay Pimentel, napakarami na ang nagrereklamo sa kanya na mga cell phone users na araw-araw ay nakakatanggap ng mga unsolicited messages. (Malou Escudero)