Life sa ex-Quezon mayor

Habambuhay na pag­kabilanggo ang inihatol ng Quezon City Regional Trial Court  (QCRTC) laban kay dating Panukulan, Quezon Mayor Ronnie Mitra at  kanyang driver na nahu­lihan ng 500 kilo ng shabu noong  2001.  

Sa desisyon ni Judge Ma. Theresa Dela Torre-Ya­dao ng QCRTC Branch 80, pinagbabayad din  si Mitra at driver na si Javier Morilla ng multang tig-P10  milyon.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysa­yan na mahatulan ang isang local official ng ma­bigat na krimen. 

Pinawalang-sala na­man ang dalawa pa na sina Willie Yao at security  aide  ni Mitra na si Ruel Dequilla dahil sa kakulangan ng  sapat na ebidensya.

Matatandaan na nada­kip sa isang checkpoint ng PNP at NBI ang mga aku­sa­do sa kahabaan ng national hiway sa Real, Que­zon noong Okt. 14, 2001 ha­bang dala ang mahigit 500 kilo ng shabu sakay ng Starex  van. (Angie dela Cruz)

Show comments