^

Bansa

Pulse Asia: Loren, most trusted ng mga Pinoy

-

Muling tinanghal si Se­ nator Loren Legarda bilang No. 1 sa tiwala ng Samba­yanang Pilipino sa loob at labas ng public office sa pinakahuling survey na isinagawa ng Pulse Asia noong June 28 hanggang July 10.

Ang 76 percent trust rating ni Loren, na bumura sa kanyang dating trust rating record na 65 percent sa Pulse Asia survey noong Feb. 25-March 5, ay maa­aring ang pinakamataas na naiposte ninuman, ayon sa ilang observer.

Gayunman, ang pagi­ging No. 1 sa tiwala ng pub­liko ay pagpapatuloy lang ng kanyang pangunguna sa mga naunang trust at awareness surveys na isinagawa ng Pulse Asia mula January hanggang Marso at ang dalawang pre-election surveys nito noong April 3-5 at April 21-25.

Consistent rin ang pangunguna ni Loren sa trust survey ng Social Weather Station at Ibon Facts and Figures.

Ang pangunguna ni Loren ay kumumpirma rin sa kanyang pangunguna sa nakaraang senatorial election sa nakopong mahigit 18 milyong boto. Si Loren ang isa sa dadalawang Pilipino na dalawang beses na nanguna sa senatorial elections sa bansa – isang karangalan na tangan rin ni dating Senate President Jovito Salonga.

Si Loren rin ang nangu­na sa 1998 senatorial elections matapos ihalal ng mahigit 15 milyong Pilipino.

vuukle comment

FEB

IBON FACTS AND FIGURES

LOREN LEGARDA

PILIPINO

PULSE ASIA

SENATE PRESIDENT JOVITO SALONGA

SI LOREN

SOCIAL WEATHER STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with